Katanungan:
Nag karoon po ako ng Personal loan sa UAE, nasa more or less 600,000pesos, at natanggal po ako sa work after 7mos. mula ng makahiram ako ng pera sa isang gov.bank sa UAE… meron po ako salary backpay galing sa company ko na nagkakahahalaga ng 264k AED na nasa more or less 300,000 pesos , at ito po na hold ng banko ko sa UAE… at terminate ang position ko sa company dahil recession at napauwi po ako ng company sa pinas.. so bali may naiwang halati na utang ko , pero nag eemail po sakin ang banko ng interest na need bayaran in 24 hrs.. pero nasa pinas ako wala ako potential na pambayad , dahil sa UAE po Malaki ang sweldo ko, ditto sa pinas wala ako work biglaan ang pag kakatanggal ko… bali ask ko kung pwede ba ako makulong ditto sa pinas , pano ko po ba ma proproteksionan sarili ko sa loan bank.. salamat mo
Kasagutan: (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)
Kung sa aspeto ng kulong ay hindi ka maaring kasuhan at ipakulong dito sa Pilipinas dahil ang transaction ay nangyari sa UAE. Sulatan mo ang bangko through email that your employment was severed because of the recession that recently took place. Pakiusapan mo sila dahil maaari nilang i-waive ang interest at ang principal nalang ang unti unti mong bayaran. Sa ngayon, mas mabuti kung may makausap kang abogado dito or abogado ng UAE para malaman mo ang mga proseso na dapat mong gawin. Ngunit mas mabuting kausapin mo muna ang bangko na iyong nahiraman sa UAE. God bless Kabayan!