Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

12/08/17 Epekto kung ang iyong amo ay labor-only contracting lamang

Katanungan:

 

Kami po ay nagtratrabaho sa isang pagawaan ng mga sapatos at tsinelas ngunit ang amo namin ay walang sapat na equipmento pondo. Nagtratrabaho po kmi sa factory ng kanyang boss din. at ngayon hndi po nabayaran ang aming mga sahod 2 buwan na po. Paano po ang dapat namin gawin? sino po ang dapat managot?

 

Kasagutan:

 

May labor-only contracting dito at ito ay pinagbabawal ng ating Labor Code. Ang labor only contractor ay agent lamang ng principal at kayo na mga empleyado ay employees ng principal kung saan kayo ay nagtra-trabaho sa kanyang factory. Ang epekto nito ay ang principal ay magiging solidarily liable sa pagbabayad ng inyong mga sahod dahil sa mata ng ating batas siya ang inyong tunay na employer.