Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

03/17/17 – Karapatan mo bang hawakan at itago ang iyong pasaporte kapag ikaw ay nasa ibang bansa?

Sir,tanong lang po.bakit may mga kumpanya dito sa KSA gaya ng kumpanya namin na d pinapahawak ang aming passports samantalang nakasaad sa Saudi law na dapat hawak ng mga exptriates ang kanilang passport lalo na at malapit lang kami sa Yemen na kaalitan ng Saudi.salamat po

Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado para malinawan pa)

Kabayan, nakasaad sa batas ng Pilipinas at sa batas ng Kingdom of Saudi Arabia, na karapatan ng mga Filipino workers na itago at hawakan ang kanilang mga pasaporte habang kayo ay nagta-trabaho sa Saudi Arabia.

Ang iyong Philippine passport ay itinuturing na pagmamay-ari (property) ng Republika ng Pilipinas at ang ang taong naka-pangalan lamang dito ang maaring magtago ng kanyang pasaporte.

Binabalaan ng ating Embahada sa Saudi Arabia ang lahat ng mga kumpanya at employer na patuloy pa rin tinatago ang mga pasaporte ng kanilang mga empleyadong Pinoy na ito ay paglabag sa batas ng Saudi Arabia particular na ang Council of Ministers Resolution No. 166 dated 12/04/1421H (14 July 2000) na nagsasaad na “ang mga mga empleyado ang may karapatan na magtago ng kanilang mga pasaporte.”