Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

02/14/2017 – Katanungan kung ano ang dapat gawin kapag nag expire na ang kontrata ngunit ayaw i-approve ang iyong pag-alis sa kompanya

Ofw po ako sa ksa.karamihan dto sa company namin gusto ng mag exit pero di inaaprove ng mgt khit tpos na contract.malaking planta ang company pero walang supervisor.multi tasking at mababa pasahod.hawak lahat ng pinoy production mgr.sya lahat ang nasusunod kc walang bisor.ano po pwedeng i complain sa mgt?ung iba nagbabakasyon na lng at di na bumabalik.kya walang makukuhang yr of service payment.kahit legal na gustong umalis sa company ayaw ng mgt payagan.
Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado para malinawan pa)

Kabayan, ang buhay o validity ng kontrata ay nagtatapos sa araw na napagkasunduan ng mga parties na lumagda dito. Ang halimbawa nito ay kung ang kontrata ay napagkasunduan na magtatagal lamang sa loob ng isang taon, ito ay mag-eexpire pagkatapos ng isang taon at HINDI maaaring mag-extend ng walang pahintulot ng dalawang parties sa nasabing kontrata.

Ngayon, sa iyong kalagayan kung saan ayaw approvan ng management ang inyong exit kahit tapos na ang validity ng kontrata, ito ay isang paglabag sa inyong kasunduan. Ito ay dapat mong idulog agad sa iyong agency upang masabihan nila ang iyong employer sa KSA. Maaari kayong magsampa ng reklamo sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan meron silang programa at ito ay ang Legal Assistant for Migrant Workers Affairs at sa POLO (ito ay overseas operating arm ng Department of Labor and Employment) kung saan ang function nito ay protektahan ang kapakanan at interestes ng mga OFWs at gabayan sila sa kanilang mga problema na nagmumula sa employer-employee relationships. Mandato din nila na i-verify ang mga employment contracts at other employment-related documents ng ating mga kababayan OFWs.

Maaari ka rin dumulog sa tanggapan ng ating Philippine Embassy sa Kingdom of Saudi Arabia para kayo ng ating mga kababayan ng tulong ay mabigyan agad ng gabay at tulong.