Hello po,
Kapag ba Ang taong kasal na pero matagal nang hiwalay din mag papakasal ulit, pero sa ibang tao na, posibli bang makasuhan? Thanks po attorney
Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado para malinawan pa)
Kabayan, ang kasal (marriage) ay panghabang buhay na kontrata ng mag-asawa. Ito ay hindi napapawalang bisa dahil lamang sa matagal nilang hindi pagkikita. Ngayon sa iyong tanong, kung ang isang tao ay nagpakasal muli ng hindi napapawalang bisa ang unang kasal sa pamamagitan ng declaration of nullity of a void marriage o annulment of a voidable marriage, ang pangalawang kasal ay tinuturing ng ating batas na bigamous.
Ang bigamous marriage ay ang pagpapakasal sa ikalawang pagkakataon habang hindi pa napapawalang bisa ang unang kasal o hindi pa nade-declare na presumptively dead ang unang asawa sa pamamagitan ng desisyon ng isang competent na korte. Ito ay isang kasong kriminal na pwede lamang gamitin upang mapawalang bisa ang pangalawang kasal at hindi ang unang kasal.