Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

01/13/17 – Katanungan kung legitimate pa rin ba ang anak kapag naideklarang null and void ang bisa ng kasal

3 months ago po ay nagkaroon ng desisyon ang korte na i-annul ang voidable marriage naming mag-asawa dahil sya ay drug addict mula pa ng kami ay kinasal at ito ay kanyang nilihim sa akin. 1 year na po kaming kasal. Ngayon gusto ko na pong kunin ang aking anak dito sa Italy. Batay sa mga papeles na aking nilalakad, ano po baa ng kanyang estado? Legitimate child na anak po ba naming siya kahit na voidable an gaming kasal at kami ay annulled na?

Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado para malinawan pa)

Ang estado po ng filiation ng iyong anak ay legitimate. Nakasaad po sa ating batas na “Children conceived or born during the marriage of parents are legitimate” (Article 164 of the Family Code).

Ito ay sa kadahihanang valid ang marriage nyo ng sya ay na-conceived at sinilang. Sinasabi po ng ating batas na until and unless a marriage is declared null and void by a competent Court, itinuturing na ang marriage ay valid from the beginning.

Sa inyong kaso Kabayan, talong buwan na ang nakalipas ng idineklara ng korte na voidable ang inyong marriage. Ngunit sinilang ang bata bago ang desisyong iyon, kaya ang bata ay considered legitimate. Every law shall be construed in favor of the child kaya hindi maaapektuhan ang legitimacy ng bata dahil prinoprotektahan ito ng ating batas.